Thursday, September 02, 2004

Ginintuang Kulungan

By Duke Xander

Ako si Pipito
papito-pito
balahibo ay malago,
makulay, magaro

mga ibo’y naiinggit
lahat ay aking kamit
walang nalalamang sakit
kumpleto sa gamit

masasarap na pagkain
tulugang kahimbing-himbing
malinis na inumin
masagana sa vitamin

ngunit ako’y may dinarama
ang kanta ko’y di masaya
kung alam lang nila
gabi-gabi akong lumuluha

nananalangin sa aking pugad
na ang aking hiling ay matupad
ang kaisa-isa kong hangad
ay ang maranasang lumipad

0 Comments:

Post a Comment

<< Home